Nais ni Senadora Risa Hontiveros na isama sa imbestigasyon ng office of the ombudsman ang isiniwalat ni dating Health Secretary Francisco Duque na si dating Pangulong Rodrigo Duterteang nag-utos na ilipat sa PS-DBM ang P47.6 billion na COVID-19 funds mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Hontiveros, hindi na niya ikinagulat ang rebelasyon na ito.
Sinabi ng senadora na dahil ginawa ni Duque ang pahayag na ito under oath ay dapat makasama si dating Pangulong Dutertesa imbestigasyon.
Mapapatunayan rin aniyang naipakilala sa dating presidente ang mga opisyal ng Pharmally noong 2017 sa pamamagitan ng kanyang special adviser na si Michael Yang.
Sinabi ni Hontiveros na kailangang maipaliwanag ni Duterte ang dahilan kung bakit niya ipinag-utos kay Duque ang paglilipat ng pondo.
Umaasa rin ang mambabatas an ikokonsidera ng Ombudsman ang rebelasyon ni Duque habang pinagpapatuloy ng Ombudsman ang imbestigasyon tungkol sa naging kontrobersiya sa Pharmally.| ulat ni Nimfa Asuncion