Ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapabilang sa Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa flag ceremony ng mga tanggapan ng pamahalaan, GOCCs, at SUCs, kada linggo.
Base sa memorandum na ibinaba ng Palasyo, nakasaad na ang hakbang na ito ay upang masiguro na maisasabuhay ng government workers ang prinsipyong nakapaloob sa Bagong Pilipinas.
Inatasan ang Presidential Communications Office (PCO) na ipakalat sa mga government institution ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge.
Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang EO, ika-4 ng Hunyo, 2024.
“The administration launched the Bagong Pilipinas as the brand of governance and leadership, directing all national government agencies and instrumentalities, including Government- Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) and state universities and colleges (SUCs) to be guided by Bagong Pilipinas principles.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan