Ipinagmalaki ng Board of Investment ang ₱640 bilyon na naitalang bagong aprubadong investment sa bansa mula Enero hanggang Mayo 2024.
Ayon sa BOI, ito ay sumasalamin sa 14% na pagtaas kumpara sa ₱562.90 bilyon noong nakaraang taon.
Sa nasabing halaga, ₱525.85 bilyon ang mula sa domestic investments habang nakapagtala naman ang foreign investments ng ₱114.37 bilyon.
Samantala, namamayagpag pa rin ang renewable energy at power sector pagdating sa investment approval sa bansa na umaabot na sa kabuuang ₱607.47 bilyon ang halaga. | ulat ni Lorenz Tanjoco