Relasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia, nasa ‘high point’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Australian Deputy Prime Minister at Defense Minister Richard Marles na nasa “high point” ang relasyong pandepensa ng Pilipinas at Australia.

Ang pahayag ay ginawa ng opisyal sa pulong bilateral kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Sinabi naman ni Sec. Teodoro na inaasahan niyang makakamit pa ang “greater heights” sa sabayang pagsisikap ng dalawang bansa na itaguyod ang “rules-based international order.”

Sinariwa naman ng dalawang opisyal ang kanilang commitment sa pagpupulong noong Mayo ng mga kalihim at ministrong pandepensa ng
United States, Australia, Japan, at Pilipinas sa US Indo-Pacific Command Headquarters sa Hawaii.

Dito’y nagkasundo ang apat na bansa sa mas malapitang pagtutulungan para matiyak ang pagsunod sa international law sa karagatan. | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us