Relasyong pandepensa ng Pilipinas at Singapore, muling pinagtibay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pinagtibay ni Defense Secretary Gilberto  Teodoro, Jr. at Singapore Defense Minister Dr. Ng Eng Hen ang malawak na bilateral defense at security relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanilang pagpupulong sa sidelines ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore noong Sabado,  nagkasundo si Sec. Teodoro at Dr. Ng na lalo pang palalakasin ang kooperasyon sa mga usaping may kinalaman sa seguridad sa rehiyon.

Sinabi ni Dr. Ng na pinahahalagahan ng kanilang bansa ang boses ng Pilipinas sa mga regional at multilateral forum.

Sinabi naman ni Teodoro na kinakailangan pang palakasin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Singapore sa mga usaping kapwa may interes ang dalawang bansa.

Bago ito, nakipagpulong din si Teodoro sa mga Defense Ministers ng Lithuania, Canada, at New Zealand.

Layon nitong mapalalim pa ang defense at security cooperation ng Pilipinas sa mga nabanggit na bansa.  | ulat ni Leo Sarne

📸: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us