Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng rightsizing sa kanilang hanay, upang ma-maximize ang police force, at mapataas ang police visibility sa buong bansa.
Sa ikalawang command conference sa Camp Crame, sinabi ng Pangulo na sa paraang ito, maiiwasan ang pag-doble ng mga trabaho at responsibilidad sa police force.
Sa pamamagitan rin nito, mapalalakas ang programa at proyekto ng PNP sa mga komunidad.
“Wala ‘yung redundant na functions – hindi nakakatulong o hindi na ginagamit dapat incorporate to be performing other functions. Nagbabago ang trabaho … andiyan pa rin siya, but we have many new jobs,” -Pangulnog Marcos.
Sinabi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang plano ng pamahalaan, malinaw na mabalangkas ang functions, imbestigasyon, at operasyon ng PNP personnel.
“Ang nangyayari kasi ‘yung iba nasa office lang, nagkakaroon ng duplicity of work. ‘Yun nga ang ni-report ni Chief PNP. Ang sabi ng Pangulo, tama ‘yan para imbes na nasa opisina ang mga pulis, at least nasa baba – importante sa grassroots, nasa baba,” -Secretary Abalos. | ulat ni Racquel Bayan