Umabot sa 10 flights ang nakansela sa Iloilo Airport kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Sinabi ni CAAP Area 6 Manager Engr. Eusebio Monserate Jr. na karamihan sa kinanselang byahe ay sa umaga.
Ayon sa CAAP, maaring maapektuhan ang lipad ng mga eroplano dahil sa makapal na abo mula sa bulkan.
Sa datos nang CAAP Iloilo ang mga kinanselang byahe ay ang mga sumusunod:
Air Asia
Flight Z2306-307
Cebu Pacific
5J451-452
5J164-695
5J453-454
5J248-247
5J696-165
Philippine Airlines
PR2139-2140
PR2384-2891
PR2141-2142
PR2892-2385
Nasa 1,450 na pasahero ang apektado nang kanselasyon sa Iloilo Airport at 9 na flights naman ang nakansela sa Bacolod Silay International Airport. | ulat ni Jenel Baclay | RPI Iloilo