Nakiisa ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pagtatapos ng Pride Month ngayong taon sa pamamagitan ng pagdadaos ng isang Couples Mass Commitment Ceremony na isinagawa sa Subic Park Hotel nitong linggo.
Sa seremonya, limang LGBTQIA+ couples ang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan at pangako sa isa’t isa kasama ang tradisyunal na seremonya ng pagpapalitan ng panata at singsing, gayundin ang pag-slice ng cake.
Dito binigyang-diin ni Amethya Dela Llana-Koval, Chairman ng SBMA Gender and Development Executive Committee, ang tema ng selebrasyon na “Pride: Empowering Commitment & Unity,” na nagpapatunay na ang pagmamahal ay hindi nakabatay sa kasarian.
Pinangunahan ng LGBTS Christian Church Inc. ang seremonya, kasama sina Reverend Cresencio Agbayani Jr. at Pastor Macario Sangcap.
Kasama rin sa seremonya ang SBMA Employees Association at mga lokal na organisasyon, na nagpapakita umano ng pagiging inklusibo ng Subic Bay Freeport. | ulat ni EJ Lazaro