Lumikha ng 35 Special Expropriation Court ang Korte Suprema upang mabilis na umusad ang mga kasong may kinalaman sa National Railway Project ng pamahalaan.
Ang mga korteng ito ay mga Regional Trial Court na binubuo ng National Capital Region, Third Judicial Region, Fourth Judicial Region, Fifth Judicial Region, at Eleventh Judicial Region.
Ang mga ito ang inatasan na magresolba sa mga kaso o petisyon na may kinalaman sa mga Railway Project ng gobyerno.
Kabilang na dito ang Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway System, Mindanao Railway Project, at Philippine National Railway South Long Haul Project.
Epektibo noong June 18, ang mga binuong Special Expropriation Court ay inaatasan na gawing prayoridad ang pagdinig sa mga kasong may kinalaman sa National Railway base sa isinasaad ng Right of Way Act. | ulat ni Jaymark Dagala