Puspusan pa rin ang ginagawang search and rescue operation ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa nawawalang 8-taong gulang na batang nahulog sa creek sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kahapon.
Ayon sa Caloocan LGU, nakatanggap sila ng tawag mag-aalas-3 ng hapon kahapon dahil sa nawawalang bata.
Agad namang iniutos ng alkalde na huwag tigilan ang paghahanap rito na sinasabing inanod ng baha habang naglalaro malapit sa creek.
Sa inisyal na impormasyon ay kinilala ang bata na si Jhaycob Anderson Manrique na nakatira sa Bagong Silang, Caloocan City.
Kaugnay nito, ay inatasan na rin ang CDRRMD at City Social Welfare and Development Department (CSWDD) na mag-set up na ng command center sa lugar at makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima. | ulat ni Merry Ann Bastasa