Sec. Hans Leo Cacdac, muling magtutungo ng Saudi Arabia para sa claims ng OFW sa mga nagsarang kumpanya doon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling lilipad patungong Saudi Arabia si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para sa claims ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa mga naluging construction company sa nasabing bansa.

Nasa 1,500 na OFW ang nakakuha na ng kanilang mga naiwang benepisyo mula sa nagsarang kumpanya.

Ayon kay Secretary Cacdac, tiniyak sa kanya ng pamahalaan ng Saudi na mayroon itong pondo para mabayaran ang unpaid claims ng mga OFW.

Matatandaang nasa 10,000 OFW sa Saudi ang nawalan ng trabaho noong 2015 matapos mabangkarote ang construction companies na kanilang pinapasukan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us