Ipinahihinto ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng anim na finance and lending firms dahil bigo ang mga ito na magsumite ng requirements alinsunod sa Financial Consumer Products and Services Consumer Protection Act.
Sa inilabas na statement ng SEC, nag-isyu sila ng cease and desist orders (CDO) laban sa 9F Lending Philippines Incorporated; Elending Lending Inc.; Hovono Lending Corporation; Makati Loan, Inc.; Second Pay Financing Inc.; and Tekwang Lending Corp.
Paliwanag ng regulatory body, hindi nakapag-comply ang mga naturang kumpanya sa mga nakasaad sa Memorandum Circular and Orders gaya ng Impact Evaluation report, pagkakaroon ng official e-mail and contact number, disclosure of advertisements and reporting of Online Lending Platforms; mechanism para sa mga reklamo at iba.
Sinabi ng SEC, ang mga kumpanyang ito kasama ang kanilang mga may-ari, operator, tagapagtaguyod, kinatawan, at ahente ay inaatasan na agad na huminto sa pagsali, pag-promote, ng kanilang negosyo sa pagpapautang sa pamamagitan ng internet at/o anumang media outlet.| ulat ni Melany V. Reyes