Sec. Pangandaman: Social sector at infrastructure, nangunguna sa proposed P6.3-T 2025 GAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangunguna pa rin ang social sector at infrastructure sa may malaking bahagi ng budget para sa proposed P6.3 trillion 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ito ang inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa panayam nito sa Davao City nitong Biyernes, Hunyo 28, 2024.

Paliwanag ni Pangandaman, na malaking parte sa nasabing budget ang social sector kung saan 37 percent mula sa GAA ang napupunta dito.

Ayon sa kalihim, ang unang nakapaloob na programa sa social sector ay ang education dahil nasa Saligang Batas na dapat nauuna ito sa prayoridad.

Pangalawa ang health, sa pamamagitan ng pag-iinvest ng pamahalaan sa facilities at health professionals dahil ayaw nitong maulit ang naging problema noong nakaraang pandemya.

Kasali rin sa nasabing prayoridad ang social protection kung saan patuloy na bibigyan ng tulong ang mga displaced, vulnerable at marginalized na mga kababayan.

Para naman sa infrastructure, inuuna ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil kasama sa programa nito na itaas sa 5.6 percent ang growth domestic product (GDP) ang dapat na budget nito kada taon.

Ayon sa opisyal na sa nakalipas na 2022, 2023, at 2024, umabot sa 5.5 percent mula sa GDP ang naging budget ng pamahalaan para sa imprastraktura. | ulat ni Armando Fenequito, Radyo Pilipinas Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us