Patuloy na nakakatanggap ng House Committee on legislative Franchises ng mga liham mula sa iba’t ibang grupo sa gitna ng pagtalakay nito sa panuklang franchise renewal ng Meralco.
Pinakahuli ay ang Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, Inc. (SEIPI).
Sa naturang liham, sinabi ni SEIPI President Dan Lachika kay Paranaque Rep. Gus Tambunting, chair ng komite, na paborableng ikonsidera ang pagagawad ng panibagong 25 year franchise sa Meralco.
Sa gitna ng pagsigla muli ng ekonokiya, tinukoy ng grupo na malaki ang naitulong ng Meralco sa pagiging leading exproter status ng bansa.
“This will give confidence to foreign investors, as it will signal stability in our economic landscape,” saad sa liham.
Tinukoy din ng SEIPI ang magandangserbisyo ng naturang power provider ang pamumuhunan nito sa economic zone sa industrial parks para tugunan ang kinakailangang kuryente upang maging globally competitive ang ating industry sector.
Una nang inendorso ng Management Association of the Philippines, Makati Business Club at Private Electric Power Operators Association ang franchise renewal ng Meralco.| ulat ni Kathleen Forbes