Sen. Bong Revilla: Panukala para sa libreng college entrance examination, ganap nang batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ganap nang batas ang panukalang naglalayong gawing libre sa bayad sa college entrance exam ng mga pribadong higher educational institutions (HEIs) ang mga kwalipikadong estudyante.

Ayon kay Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ito ay matapos mag “lapse into law” ang nasabing panukala.

Sa ilalim ng Republic Act 12006 o ang Free College Entrance Examination Act, hindi na sisingilin ng entrance exam fees at iba pang charges para sa college admission ang mga estudyanteng matatalino pero kapos sa kakayahang pinansyal.

Para mapakinabangan ang naturang batas—dapat ang aplikante ay natural-born Filipino citizen; mula sa top 10% ng graduating class; mula sa pamilya na kahit pagsama-samahin ang kita ay hindi angat sa poverty threshold o walang kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan; mag-aplay sa college entrance examination ng pribadong HEI sa bansa; at tiyaking kumpleto ang iba pang requirements na hinihingi ng mga pribadong HEI.

Ayon kay Revilla, sa pamamagitan ng bagong batas na ito ay hindi na poproblemahin ng mga kapos pero matatalinong mga estudyante ang pambayad sa entrance exam sa private colleges o universities na nais nilang pasukan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us