Sen. Bong Revilla, pinuri ang pagkakapirma bilang batas ng Kabalikat sa Pagtuturo Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa pagkakapirma bilang ganap na batas ng “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na layong bigyan ng dagdag na taunang teaching allowance ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Si Revilla ang nagsilbing principal author at sponsor ng panukalang ito sa Senado bilang chairperson ng Senate Committee on Civil Service.

Ayon kay Revilla, layon ng batas na ito na bigyang pugay ang pagsisikap at dedikasyon ng mga public school teachers.

Base sa probisyon ng naturang batas, ang teaching allowance ng public school teachers ay magiging ₱10,000 simula S.Y. 2025-2026, mula sa kasalukuyang ₱5,000 lang.

Giit ng mambabatas, nararapat lang na taasan na ang teaching allowance ng mga guro kasabay ng pagtaas rin ng mga presyo ng mga bilihin at para maiwasan na ring maglabas sila ng pera mula sa sarili nilang bulsa para may magamit sa pagtuturo.

Pinunto pa ni Revilla na dahil sa blended modality ng pagtuturo, ay nadagdagan ang pangangailangan ng mga guro sa internet connection, kuryente, laptop, at iba pang gamit para makapagturo ng maayos. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us