Hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) na idulog na sa ASEAN ang problema sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay matapos ang naging ng panghaharang ng China Coast Guard sa resupply mission at medical evacuation ng mga sundalo ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.
Paliwanag ni Escudero, bagama’t hindi kilalang political association ang ASEAN ay mainam na forum pa rin aniya ito para makausap ang mga kapitbahay nating bansa sa rehiyon.
Isa rin aniyang opsyon na maaaring gawin ng Pilipinas ay ang paghahain muli ng diplomatic protest.
Nagpaalala naman ang Senate leader na dapat manatiling kalmado ang Pilipinas at China sa kabila ng nangyayari sa WPS.
Hinikayat ng senador ang tropa ng Pilipinas na huwag nang patulan ang mga ginagawang pambubully ng China. | ulat ni Nimfa Asuncion