Pinasisilip ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Bureau of Plant Industry (BPI) ang sanhi ng pagsipa ng presyo ng mga gulay sa merkado, partikular na ng mga luya.
Sa monitoring kasi ng senador, napag-alaman nitong umaabot na sa P320 per kilo na ang bentahan ng luya sa mga palengke.
Tinataya aniyang nasa P100 kada kilo ang itinaas sa presyo ng luya dahil nitong nakaraang linggo ay nasa P220 kada kilo lang ang bentahan nito.
Samantala, welcome naman kay Tolentino ang pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Mount Kanlaon sa Negros Island.
Una nang pinanawagan ng mambabatas sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin dahil naman sa El Niño. | ulat ni Nimfa Asuncion