Sen. Gatchalian, hinamon si Bamban Mayor Alice Guo at pinaghihinalaang ina nito na sumailalim sa DNA test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA testing kasama si Wen Yi Lin, ang pinaghihinalaang totoong ina niya.

Ayon kay Gatchalian, ito ay para masagot na ang mga katanungan tungkol sa pagkatao ng alkalde.

Una nang sinabi ng senador na naniniwala siyang si Wen Yi o Winnie Lin ang biological mother ni Mayor Guo.

Naniniwala rin ang mambabatas sa posibilidad na 15-taong gulang lang si Wen Yi nang ipanganak niya si Mayor Alice.

Pinunto rin ni Gatchalian ang mali-maling mga impormasyon na inilagay ng ama ni Mayor Alice sa kanyang Birth Certificate.

Kabilang na dito ang pangalan ng kanyang ama na ‘Angelito Guo’ na isa umanong Pilipino, samantalang walang record ang PSA ng isang ‘Angelito Guo.’

Napag-alaman na rin sa mga pagdinig sa Senado na Chinese talaga ang ama ni Mayor Alice.

Sa kabilang banda, aminado si Gatchalian na mahihirapang gawin ang DNA test dahil base sa record ng Bureau of Immigration (BI) ay wala na sa Pilipinas si Wen Yi. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us