Sen. Gatchalian, naghain ng panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng smartphone at gadget sa klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian na maipagbawal na sa mga klase ang paggamit ng smartphones at electronic devices sa oras ng klase.

Sa inihaing Senate Bill 2706 o ang panukalang Electronic Gadget-free Schools act ni Gatchalian, minamandato ang Department of Education (DepEd) na magbalangkas ng mga pamantayan na magbabawal sa paggamit ng mobile devices sa loob ng mga paaralan sa oras ng klase.

Magiging sakop nito ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Maging ang mga guro ay pagbabawalan rin na gumamit ng cellphone at gadgets sa klase sa ilalim ng panukala.

Paliwanag ni Gatchalian, bagamat mahalaga ang papel ng mobile devices at gadgets sa edukasyon ay may masamang epekto rin ito sa pag-aaral ng mga estudyante dahil nakakaabala ito sa oras ng pag-aaral.

Dagdag pa dito, nauugnay rin ang access ng mga kabataan sa gadgets sa pagbaba ng kanilang grades at sa cyberbullying.

Sa kabilang banda, kinikilala naman ng mambabatas na may pagkakataon ring maaari pa ring gumamit ng smartphones at electronic devices.

Gaya na lang aniya sa mga classroom presentation at iba pang classroom activities gayundin sa oras ng emergency. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us