Kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian na tunay ang mga Chinese uniform na natuklasan sa na-raid na POGO hub sa Pampanga.
Sinabi ni Gatchalian na base ito sa kanyang sariling opinyon dahil sa ngayon ay ongoing pa ang verification tungkol dito.
Naniniwala ang senador na ang mga unipormeng ito ay pagmamay-ari ng mga ‘scalawag’ na pulis at sundalo ng China na pumupunta dito sa ating bansa.
Sila aniya ang nagsasagawa ng mga torture at illegal detention sa mga biktima ng POGO.
Ayon sa PAOCC, nasa 4 na biktima ang narescue nila nang ma-raid ang POGO hub ng Lucky South 99.
Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, 3 dito ang Chinese na lalaki at isa ay Chinese na babae.
Sa ngayon, dalawa aniya sa mga 12 persons of interest sa kaso ng Pampanga POGO hub ay natukoy na ng mga torture victim na nambugbog sa kanila.| ulat ni Nimfa Asuncion