Sen. Grace Poe: Mga POGO, nagiging pugad ng korapsyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinanawagan ni Senator Grace Poe na tuluyan nang i-ban ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil nagiging pugad na rin ito ng korapsyon.

Giit ni Poe, nagiging malaking sakit sa ulo na ng gobyerno ang mga POGO dahil sa sanga-sangang problema na idinudulot nito gaya ng mga krimen, modern day slavery, mga bisyo at iba pang ilegal nna mga aktibidad.

Ayon aa senator, bagamat may mga legal na POGO, ang problema ay pinapaupahan nila ang kanilang mga permit para magamit ng ibang operators.

Pinunto ng mambabatas, na ang ginagawang imbestigasyon sa na-raid na POGO hub sa Bamban Tarlac ay nagsiwalat kung paanong nalusutan ng kumpanya ang iba’t ibang mga batas at regulasyon, para maipagpatuloy ang iligal nilang gawain.

Pinapalabas aniya nito, na may korapsyon at nanganganak ng korapsyon ang pagpapatuloy ng POGO operations, at nasasama pa ang mga tao sa gobyerno dito.

Kaya naman kung tuluyan na aniyang ipagbabawal ang operasyon ng mga POGO ay madali nang matutunton kapag may operasyon ang mga ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us