Muling iginiit ni Senador Loren Legarda na banta sa seguridad ng bansa ang naglipanang POGO.
Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang mga law enforcer ng bansa na pagbutihin pa ang paghabol sa mga sinasabing criminal syndicates na ginagamit ang mga POGO sa kanilang mga iligal na transaksyon.
Ayon kay Legarda, dapat nang agad na ipasara ang mga ganitong uri ng mga establisimyento na maglalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.
Ipinahayag rin ng mambabatas ang pagkaalarma para sa ating mga kababayan at sa epekto sa seguridad ng bansa ng natuklasang uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) sa na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Kaya naman para aniya sa ikabubuti at sa kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino ay dapat na ring agad na ipa-deport o paalisin sa Pilipinas ang mga Chinese nationals na iligal na nag-o-operate ng mga POGO, lalo na ang mga sangkot sa mga iligal na mga aktibidad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion