Sen. Padilla, maghahain ng resolusyon tungkol sa naging operasyon ng PNP sa KOJC premises

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Robin Padilla na silipin sa Senado ang naging pagsisilbi ng warrant ng mga operatiba ng Pambansang Pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City, nitong June 10.

Ito ay sa gitna ng akusasyon sa panig ng KOJC na nagkaroon ng “unnecessary and excessive force” sa naging operasyon ng PNP.

Base sa mga natanggap na impormasyon ng senador, nang pumasok sa KOJC ang operatiba ng PNP – kasama ang tauhan ng Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – para mag-serve ng arrest warrants kay KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy at lima pa – nasaktan di umano ang ilang misyonaryo nang nagkaroon ng tensyon.

Pinunto ni Padilla, na sa pagsisilbi ng warrants dapat ikonsidera ng mga law enforcer ang sitwasyon at hindi dapat labagin ang dignidad ng mga tao.

Kailangan aniyang itaguyod at protektahan ng kapulisan ang karapatang pantao bilang mahalaga ito sa pagpapanatili ng public order, public safety at respeto sa rule of law. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us