Sen. Revilla, nanawagan sa mga awtoridad na mabilis na imbestigahan ang pagkakadiskubre ng Chinese army uniform sa POGO hub sa Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Revilla, hindi maiiwasang makaramdam ng pagkaalarma sa natuklasang ito.

Kaya naman sinabi ng senador na kung talagang banta ang natuklasang PLA uniform sa seguridad ng bansa ay dapat aksyunan ito agad ng mga kinauukulan.

Muli ring iginiit ng mambabatas ang kanyang posisyon kaugnay ng mga POGO na hindi dapat pahintulutan ang kriminalidad at kawalan ng batas sa mga POGO hub.

Iginiit ni Revilla na hindi dapat pumayag ang bansa na gamitin ng masasamang loob ang kanilang POGO license para gumawa ng katiwalian.

Nagpahayag rin ng suporta ang senador sa lahat mga hakbang ng gobyerno para masawata ang mga ilegal na POGO.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us