Pinabulaanan ni Senador Joel Villanueva ang mga alegasyin na hinaharang niya ang pag-usad sa Senado ng sexual orientation, gender identity and expression, and se characteristics (SOGIESC) equality bill.
Paglilinaw ni Villanueva, wala siyang problema na pagdebatehan ang panukalang ito.
Aniya, ang naging desisyon noon ay busisiin itong muli at talakayin sa rules committee ng Senado.
Matatandaang una nang naipresenta sa plenaryo ng Senado ang panukalang SOGIESC equality bill pero ibinalik ito sa committee on rules matapos magpahayag ng pagnanais ang mga religious groups na makibahagi sa talakayan.
Si Villanueva ang noo’y chairman ng committee on rules bilang dating majority leader.
Nilinaw rin ni Villanueva na wala siyang problema sa LGBT community at katunayan ay marami siyang mga kaibigan mula dito.
Matatandaang ang isinusulong ni Villanueva ay ang mas holistic o mas malawak na anti-discrimination bill.
Ito ang panukalang batas na magtitiyak na hindi magkakaroon ng diskriminasyon sa iba pang marginalized groups at hindi lang sa LGBT community. | ulat ni Nimfa Asuncion