Sen. Zubiri, planong sampahan ng cyber libel ang mga nagpapakalat ng black propaganda laban sa kanya sa social media

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balak ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri na maghain ng cyber libel case sa mga indibidwal na naninira ng kanyang pangalan sa pamamagitan ng black propaganda sa social media.

Tinutukoy ni Zubiri ang mga kumakalat na video sa social media na nagsasabing nakuha niya ang kanyang mga ari-arian sa pamamagitan ng korapsyon.

Itinanggi ng senador ang mga alegasyon na mayroon siyang bahay sa Forbes Park at mga private helicopter.

Sa kabilang banda, inamin ni Zubiri na kasalukuyan siyang nagpapatayo ng resort sa Camiguin para tulungan ang turismo sa Mindanao.

Binigyang-diin naman ng senador na ang mga kita ng mga negosyo ng kanilang pamilya ay lehitimo at nakasaad itong lahat sa kanyang SALN.

Kilala ang pamilya Zubiri sa kanilang sugar milling at pineapple farming business.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us