Senate Inquiry tungkol sa panibagong insidente sa Ayungin Shoal, isinusulong ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Imee Marcos na magkaroon ng Senate Inquiry tungkol sa pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal na nagresulta sa pagkasugat ng ilang sundalo at pagkaputol ng daliri ng isang tauhan ng Philippine Navy.

Sa Senate Resolution 1055 na inihain ni Senador Imee, hinihiling nito sa naangkop na komite ng Senado na siyasatin ang panibagong pangha-harass ng China Coast Guard sa ating mga sundalo na nagsagawa ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Bukod kasi aniya sa pisikalang ginawa ng China, binutas rin ng mga tauhan ng CCG at hinila palayo sa Ayungin Shoal ang rigid hall inflatable boat (RHIB) na may sakay na mga Navy personnel at may kinumpiska pang mga armas.

Maituturing na aniyang seryosong escalation na ang pagiging agresibo ng China sa Pilipinas lalo’t ito ang unang pagkakataon na sumampa sa military boats ng Pilipinas ang mga Chinese personnel, nangumpiska ng mga armas, at sinaktan ang ating sundalo.

Giniit ni Marcos na kailangang busisiin ang insidenteng ito para matukoy ang mga hakbang na maaaring gawin ng ating gobyerno para protektahan ang ating mga sundalo at epektibong maigiit ang sovereign rights. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us