Senate President Escudero, pinuri ang pagiging batas ng Free College Entrance Examination Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang pagiging isang ganap na batas ng Free College Entrance Examinations Law (Republic Act 12006) matapos itong mag-lapse into law o abutin ng lagpas 30 araw sa lamesa ng Pangulo.

Ayon kay Escudero, nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin na nag-lapse into law na ang Senate Bill 2441 noong June 14.

Si Escudero ang nag-sponsor sa naturang panukala noong siya pa ang chairperson ng Senate Committee on Higher Education.

Pinaliwanag ng Senate president na layon ng batas na ito na pagaanin ang pasaning pinansyal ng mga deserving na estudyanteng nais makapag-aral sa pribadong higher education institutions (HEIs).

Aniya, may ilan kasing entrance exam fees na katumbas na ng isang araw na kita ng isang manggagawa kaya naman sa tulong ng batas na ito ay umaasa ang Senate leader na wala nang pamilya ang maguguton ng isang araw kapalit ng examination fee.

Sinabi ni Escudero na mag-aapply ang waiver na ito sa anumang pribadong HEI sa Pilipinas at sa ilalim ng bagong batas ay binibigyan ng kapangyarihan ang Commission on Higher Education (CHED) na parusahan ang mga opisyal o empleyado ng private HEI na tatangging sumunod sa probisyon ng batas na ito.

Ang batas aniyang ito ay isang hakbang para gawing mas accessible ang edukasyon para sa lahat ng mga Pilipino. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us