Simula noong June 10 ay prayoridad na sa bentahan ng ₱29 na kada kilong bigas ang mga nasa vulenrable sector kabilang ang mga Senior Citizen, mga taong may kapansanan (PWDs), mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at mga Solo Parents.
Sa nakapaskil na abiso sa ADC Kadiwa Store, ito ay tugon sa rekomendasyon ng Farmers Cooperative Association (FCA).
Ngayong umaga, may ilang mga nanay at seniors na ang nakapila sa naturang Kadiwa Store.
Ayon kay Nanay Belen, hangga’t may murang bigas ay wala siyang problema na ulit ulitin ang pagpila dahil sulit naman ito lalo’t mabango at malambot ang bigas kahit na bahaw na.
Halos wala rin aniya itong pinagkaiba sa kalidad ng ₱55 na kada kilong bigas na binibili niya dati sa palengke.
Ayon naman sa ADC Kadiwa Store, may higit 170 na sako ng murang bigas ang naideliver sa kanila ngayong linggo, at nasa 120 na sako na ang nabebenta.
Available ang murang bigas sa mga sumusunod pang Kadiwa Stores:
- Brgy. 167, Liano Road, Caloocan City (sa tabi ng Ptt Gasoline Station)
- AMVA Housing, La Mesa St., Ugong, Valenzuela
- PhilFIDA Compound, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City (tuwing Huwebes at Biyernes lamang)
- Bureau of Plant Industry (BPI), San Andres St., Malate, Manila (tuwing Huwebes at Biyernes lamang). | ulat ni Merry Ann Bastasa