Serbisyo sa toll road, dapat munang ayusin bago magtaas ng singil – Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapatiyak ni Senador Sherwin Gatchalian sa Toll Regulatory Board (TRB) na maayos at napapaganda pa ng mga toll operator, gaya ng North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX), ang kanilang mga serbisyo bago magpatupad ng anumang dagdag singil.

Ito ay matapos aprubahan ng TRB ang ikalawang tranche ng toll adjustment para sa North Luzon Expressway (NLEX), na magreresulta sa mas mataas na toll rate para sa mga motorista simula June 4.

Ayon kay Gatchalian, bilang laging gumagamit ng NLEX ay alam niya mismo ang sitwasyon gaya ng mga reklamo sa sirang cashless reader at matinding trapiko lalo na tuwing weekend o holiday.

Aniya, dapat munang ayusin ng mga operator ng mga toll road na ito ang kanilang mga depektibong cashless system at magpatupad ng programa na magpapagaan sa daloy ng trapiko bago magsagawa ng anumang pagtataas ng singil

Giniit ng mambabatas, na anumang pagtaas ng singil sa mga pangunahing toll road sa bansa ay dapat magresulta sa mas mataas na pamantayan ng serbisyo, at mas magandang karanasan para sa mga motorist. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us