Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mang-aawit na si Imelda Papin bilang acting member ng Board of Directors (BOD) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ngayong araw, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos si Papin, kasama ang kaniyang pamilya, sa Study Room sa Malacañang.
Ang PCSO ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na nasa ilalim ng Office of the President (OP).
Kabilang sa mandato nito ang magbigay tulong sa publiko sa pamamagitan ng serbisyong medikal at kawanggawa mula sa mga programa at palaro. | via Racquel Bayan