Nag-abiso ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer na asahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.
Sa pahayag ng Meralco, sinabi nito na ang pagtaas ay dahil sa “pass-through” charges, kabilang ang mas mataas na transmission charge at feed-in tariff allowance.
Bukod pa rito, nakadagdag din sa pagtaas ng singil ang manipis na suplay ng kuryente sa Luzon grid, na nagresulta sa mas mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market.
Ayon kay Meralco spokesperson at vice president for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, upang mapagaan ang epekto ng pagtaas na ito, nakipag-ugnayan na ang Meralco sa kanilang mga supplier upang ipagpaliban ang bahagi ng kanilang generation costs.| ulat ni Diane Lear