Mahigpit na tinututukan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng mga Pilipinong nasa Taiwan.
Ito’y matapos makapagtala muli ang Taiwan Central Weather Administration ng kambal na lindol na yumanig sa kanilang lugar kahapon.
Batay sa datos, unang naramdaman ang Magnitude 4.8 na lindol sa karagatan at may layong 21.2 kilometro timog ng Hualien County at sinundan ito ng Magnitude 4.4 ilang sandali mula sa unang pagyanig.
Gayunman, iniulat ng Migrant Workers Office sa Taipe na walang Pilipino ang nasugatan sa naturang malakas na pagyanig.
Subalit patuloy na nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office (MWO) sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) gayundin sa mga kinauukulang ahensya sa Taiwan para tayaking ligtas ang mga kababayang nakapirme roon. | ulat ni Jaymark Dagala