Nakatakdang magpulong sina Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at House Speaker Martin Romualdez sa susunod na linggo.
Ayon kay Escudero, nakatakdang nilang pag-usapan ang gagawing LEDAC (Legislative Executive Development Advisory Council ) meeting sa June 25.
Pag-uusapan rin aniya ang mga panukalanag batas na bibigyang prayoridad ng Senado at Kamara.
Giit ng Senate President, ayaw niyang pag-aksayahan na ng panahon ang mga bagay na hindi naman nais ng mayorya ng mga senador gayundin ng mga kongresista sa Kamara.
Maliban kina Escudero at Romualdez, inaasahang makakasama rin sa gagawing pagpupulong sa susunod na linggo sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Majority Leader Francis Tolentino at ilan pang mga opisyal ng Kamara.| ulat ni Nimfa Asuncion