Ipinauubaya na ni Senate President Chiz Escudero sa Senate secretariat ang pagdedesisyon kung ipapatupad rin sa Mataas na Kapulungan ang pag-awit at pagbigkas ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge tuwing flag raising ceremony.
Ipinaliwanag ni Escudero, na hindi sakop ng inilabas na kautusan ng Malacañang na nagmamandato nito sa Senado, Kamara, Korte Suprema at Constitutional Commissions.
Aniya, independent na desisyon na nila kung gagamitin ang ‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge.
Pero para sa Senate leader, hindi naman siya tutol dito…
Para kay Escudero, maganda rin itong paalala para sa taumbayan kung ano ang dapat nilang singilin sa mga opisyal ng pamahalaan. | ulat ni Nimfa Asuncion