SP Chiz Escudero: NTC, dapat magpaliwanag sa pagpapatupad ng SIM Registration Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat ipaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit hindi epektibong naipapatupad ang SIM Registration Law ayon kay Senate President Chiz Escudero.

Una na kasing sinabi ng NTC, na hindi ‘silver bullet’ o simpleng solusyon sa kumplikadong problema ng text scams ang SIM Registration law.

Giit ni Escudero, sa halip na mangatwiran o magbigay ng palusot dapat ay magpaliwanag na lang ang NTC.

Dapat rin aniyang lumapit ang NTC sa Kongreso at sabihin kung ano pa ang kailangan nila para epektibong magampanan ang kanilang mandato, maipatupad ang naturang batas, at nang masugpo na ang text scams.

Pinaliwanag naman ng senate president, na walang pananagutan ang NTC sa hindi epektibong pagpapatupad ng SIM registration law…

Gayunpaman, maituturing aniya itong nonfeasance in office o pagkabigong gampanan o gawin ang dapat nilang gawin. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us