Speaker Romualdez at Japanese Counterpart, nagkasundo na patuloy na pagtibayin ang bilateral relation ng 2 bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ngayong Martes si Speaker Martin Romualdez at kaniyang Japanese counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga kung saan pinagtibay ng dalawang opisyal ang pagpapalakas sa bilateral relations ng Pilipinas at Japan.

Binigyang diin ni Speaker Romauldez ang malalim na diplomatic relations ng dalawang bansa lalo na sa depensa at ekonomiya.

Nagpasalamat din ito sa Japan sa pagtanggap sa may 300,000 mga Pilipino na naninirahan sa Japan.

Tinuran din ng House Speaker ang magkakasunod na engagement sa pagitan ng mga opisyal ng Japan at Pilipinas gaya ng official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan noong February 2023 kung saan nakaharap niya si Emperor Naruhito at Empress Masako.

Habang noong Nobyembre 2023 ay bumisita sa bansa si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagtalumpati pa sa harap ng Joint Congress ng Pilipinas.

Nasundan ito ng muling pagtungo ni Pangulong Marcos sa Japan noong Disyembre para sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang House leader sa Japan dahil sa mga tulong nito sa pamamagitan ng official development assistance at maritime security initiatives

“As the number one provider of official development assistance, you have helped us in our economy in many aspects. You have also helped us in time of disaster, calamities, and we would also like to thank you for the support from the JICA, that continues to bring our economy to fruition. We thank Japan government and the people of Japan for all the support and the assistance through the ODA.” ani Romualdez.

“Japan remains one of the Philippines’ most dependable partners. Our shared universal values, including freedom, democracy, the rule of law, respect for human rights, and a free and open economy, underpin our strategic partnership.” dagdag pa niya

Pinasalamatan naman ni Speaker Nukaga si Romualdez sa pagkilaa nito sa mga ipinagkaloob na tulong ng pamahalaan ng Japan.

Ikinalugod din nito matatag at magandang relasyon ng dalawang bansa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us