Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., agad nakipag-ugnayan si Speaker Martin Romualdez sa mga ahensya ng pamahalaan para mabilis na mailabas ang ayuda na para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Kabuuang ₱40 million pesos na halaga ng tulong ang ipinahahanda mula sa social amelioration programs.
Bukod pa ito sa ₱4 million na halaga ng food packs mula sa Disaster Assistance Fund ng Speaker’s Office.
Sa pakikipag-usap ng House leader maglalaan ng tig-₱20million na ayuda ang Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng TUPAD.
Tig-₱10 million na tulong sa ilalim ng AKAP ang ipagkakaloob sa unang ditrito ng Negros Oriental, at fourth district ng Negros Occidental.
“These funds will provide much-needed support to affected residents in Negros Oriental and Negros Occidental, ensuring they have the resources to cope with the disruptions caused by the eruption of Kanlaon Volcano. By providing these food packs, we aim to meet the urgent needs of our communities and ensure no one goes hungry during this difficult time,” saad ni Romualdez.
Binigyang diin ni Romualdez ang kahalagahan ng atas ni Pangulong Marcos Jr. para sa mabilis na aksyon upang matulungan ang mga apektado ng kalamidad.
“President Marcos’ directive was clear: we must act swiftly and decisively to provide relief to those affected by this natural disaster. His commitment to the welfare of our people is unwavering, and this aid package reflects that dedication,” dagdag niya.
Bandang 6:51 PM nitong Lunes nang maitala ang pagsabog ng Kanlaon. | ulat ni Kathleen Forbes