Hiniling ni Speaker Martin Romualdez sa Philippines-Japan Economic Agreement (PJEPA) na ikonsidera ang pagbawas o tuluyang pag alis ng taripa sa ilang agriculture products ng Pilipinas.
Ginawa ito ng lider ng Kamara sa pulong kasama ang ilang mambabatas ngJapan at ni Philippines-Japan Parliamentarians’ Friendship Society (PJPFS) Chairman Hiroshi Moriyama.
“We believe that a review of the [PJEPA], especially after the recent trilateral agreements, would show support and solidarity. This request aligns with our past efforts and aims to foster a better and more conducive relationship between our countries,” sabi ni Speaker Romualdez
Aniya, kung maisailalim ito sa review ay mas magiging maganda ito para sa agri-products ng Pilipinas gaya na lang ng saging.
Tinukoy nito na nagkaroon ng pagbaba ang market share ng Pilipinas sa mga saging sa Japan mula 90% patungong 78%.
Punto niya, nais ng Pilipinas na maka-secure ng merkado sa Japan para sa ating mga magsasaka at mangingisda bilang ang Japan ang isa sa pinakamalaking importer ng agri- products sa buong mundo.
Bilang dating agriculture minsiter, sinabi ni Chairman Moriyama na bukas sila sa hiling na ireview ang PJEPA. | ulat ni Kathleen Forbes