Pinapurihan ngayon ni Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba ang taripa ng inaangkat na bigas sa 15% mula sa 35%.
Naniniwala si Romualdez na sa tariff cut na ito na sasabayan ng pagtitinda ng bigas sa mga Kadiwa stores ay makakatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa merkado.
Patotoo din aniya ito sa commitment ng administrasyon na gawing abot kaya ang presyo ng pangunahing bilihin.
Hindi naman aniya dapat mag alala ang mga magsasaka na maaapektuhan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na pantulong sa kanila.
Nagmunula kasi ang pampondo sa RCEF sa taripa ng imported na bigas.
Aniya bataysa datos noong nakaraang buwan, mayroon nang P16 billion na nakolektang taripa mula sa imported na bigas, ibig sabihin may sapat pa rin pondo para sa RCEF na pangsuporta at tulong sa mga lokal na magsasaka.
“This means that the government has enough funds to help farmers, while it is trying to bring down rice prices through the import tariff cut and direct Kadiwa sales,” giit niya.
Umaasa naman ang House leader na mas maging pangmatagalang solusyon dito ang isinusulong na panukala ng Kamara na ibalik ang kapangyarihan ng NFA na mag import at magbenta ng bigas sa merkado. | ulat ni Kathleen Forbes