Special Investor’s Resident Visa Program, dapat nang repasuhin — isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa mga kasamahang mambabatas na amyendahan na ang Special Investor’s Resident Visa o SIRV Program ng bansa.

Giit ng mambabatas ginagamit lang ito ng mga banyaga na sangkot sa iligal na gawain para makapasok sa bansa at dito gawin ang operasyon ng kanilang mga krimen.

Aniya, batay sa Book 5 ng Omnibus Investment Code, ang isang investor sa ilalim ng SIRV Program ay kailangan makapag-remit ng $75,000 US dollars sa bansa para mag-invest sa viable economic activities.

Kung pagbabatayan ang kasalukuyang exchange rate, ang halagang ito ay katumbas lamang ng ₱4.8-million na kayang-kaya punan ng mga kriminal at drug syndicate.

“Sa halagang ₱4.8-million (₱58.51 to US$1), ang isang member ng isang criminal syndicate ay maaari nang pumasok, manatili at gawin ang kanilang illegal na gawain sa ating bansa gamit ang SIRV Program as cover. At sa mga banyaga, particular na ang mga Chinese drug syndicates at money launderers, ang halaga na ₱4.8-million ay barya na lang sa kasalukuyang panahon kumpara sa kikitain nila sa kanilang illegal na gawain,” sabi ni Barbers.

Katunayan, ang SIRV ang naging ‘ticket’ ng pamilya ng suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para makapasok sa bansa noong 2023.

Batay sa dokumento at record ng Bureau of Investments (BOI) at Bureau of Immigration (BI) ang totoong pangalan ni Alice Guo ay Guo Hua Ping. Kinilala ang kaniyang ina na si Lin Wenyi batay sa isinumiteng SIRV application noon sa BOI.

Kasalukuyan na ring hinahabol ng mga awtoridad ang isa pang Chinese national na si Willie Ong na sangkot sa bilyong halaga ng shabu na itinago sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga at nakabili pa ng higit 300 lupain sa Central Luzon at Metro Manila gamit ang pekeng mga pasaporte at dokumento. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us