Nanawagan si Social Security System President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet sa mga miyembro na samantalahin ang SSS savings program para mapalago ang kanilang ipinuhunang pera.
Sinabi ni Macasaet na nag-aalok ang SSS ng MySSS Pension Booster bilang isang programa upang palakasin ang kanilang retirement funds at savings na maaaring magbigay ng inaasahang taunang return rate na 7.2%.
Sinabi ni Macasaet na ang MySSS Pension Booster ay binubuo ng mandatory at voluntary schemes.
Hinihikayat din ng SSS ang mga nag-aaplay para sa issuance ng Social Security (SS) number na mag-enroll sa programa.
Paliwanag ni Macasaet, kailangan lamang nila ng ₱500 para makapag-ipon sa voluntary scheme ng MySSS Pension Booster, at maaari silang mag-ambag ng anumang halaga. | ulat ni Rey Ferrer