Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para ituring na public health concern ang Streptoccocal toxic shock syndrome (STSS).
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, hindi pa naman ito malala dito sa Pilipinas.
Katunayan, halos walang naitatala ang DOH na tinamaan ng ganitong sakit sa ating bansa.
Ang Streptoccocal toxic shock syndrome ay isang uri ng flex bacteria na tumatama sa mga baga ng tao at kumakalat ngayon sa Japan, at may mga naitala na namatay.
Sinabi ni Dr. Domingo, mas hinihikayat nila ang publiko na pagtuunan ng pansin ang WILD diseases tulad ng water-borne diseases, influenza-like illness, leptospirosis, at dengue.
Ito daw ang mas tumataas na kaso ng sakit ngayon na kailangan pag-ingatan ng publiko. | ulat ni Mike Rogas