Sub-station ng PCG, itatayo sa San Miguel, Leyte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Coast Guard District Eastern Visayas (CGDEV) at Munisipalidad ng San Miguel, Leyte para sa pagtatayo ng Coast-Guard Sub-Station sa nasabing lugar.

Pinangunahan nina Coast Guard District Eastern Visayas (CGDEV) Commander, Commodore Romeo Pulido Jr., at San Miguel Mayor Norman Sabdao ang paglagda sa kasunduan.

Layon ng proyekto na palakasin ang presensya at kakayahan ng Coast Guard sa pagresponde sa mga insidente sa karagatan, at protektahan ang mga komunidad sa baybayin.

Ang sub-station na itatayo sa Barangay Sta. Cruz ay mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng seguridad sa karagatan at kapakanan ng mga mamamayan ng San Miguel. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us