Pinalawak pa ng Commission on Higher Education (CHED) ang access sa medical education sa dalawang unibersidad sa La Union at Bulacan.
Ito’y kasunod ng pag-apruba ng CHED sa aplikasyon para sa Doctor of Medicine program ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) at Bulacan State University (BulSu).
Ayon sa CHED, magiging epektibo na ito sinula sa Academic Year 2024-2025 bilang bahagi ng implementasyon ng Republic Act No. 11509 o ang Doktor Para sa Bayan Act.
Ang DMMMSU ang ika-21 public medical school na inaprubahan ng CHED habang ang BulSu naman ang unang state university na mag-aalok ng medical education sa Region 3.
Ayon naman kay CHED Secretary Popoy De Vera, sa tulong ng dalawang unibersidad, madadagdagan na ang mga doktor na magsisilbi sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) at sa mga bayan na walang mga doktor.
“Only two regions in the country – Cordillera Administrative Region and CARAGA – do not have an SUC offering a medicine degree. We are close to fully implementing the mandate of the Doktor Para sa Bayan law which seeks to develop a public medical school in all regions of the country,” ani De Vera. | ulat ni Merry Ann Bastasa