Binigyang diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pangangailangan na tiyakin ng pamahalaan na magkakaroon ng access sa malinis at maiinom na suplay ng tubig ang mga residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon.
Pinunto ni Tolentino sa DSWD na maaaring kontaminado ang suplay ng tubig sa mga komunidad na nakaranas ng ashfall mula sa bulkan.
Kaugnay nito, pinatitiyak ng majority leader na magkakaroon ng maayos na koordinasyon sa mga local water districts para masigurong malinis ang suplay ng tubig.
Tiniyak naman ng DSWD na nirerebyu na nila ang mga kasalukuyang kasunduan na mayroon sila sa mga water district utilities sa lugar.
Bbase sa inisyal na datos ng DSWD, nasa dalawang libong indibidwal mula sa labing anim na barangay sa Negros Occidental at apat na barangay sa Negros Oriental ang apektado ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon.
tinatayang nasa 1,400 na inididwal naman ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.| ulat ni Nimfa Asuncion