Timely o napapanahon ang paghahayag ng suporta ng G7 sa Pilipinas sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea dahil sa pagiging agresibo ng China ayon kay House Deputy Majority Leader Janette Garin.
Aniya, malaking bagay na makakuha ng suporta ang isang maliit na bansa gaya ng Pilipinas mula sa ating “big brothers” para protektahan ang ating teritoryo.
Mahalaga rin aniya na dinadala sa diplomatic table ang naturang usapin.
Gayunman, umaasa ang mambabatas na hindi maaapektuhan ang ugnayang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ani Garin, may mga produkto tayong ine-export sa China at marami rin sa mga negosyo sa Pilipinas ang nag-aangkat o kumukuha ng raw materials doon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes