Surigao solon, muling humirit na ibalik na ang death penalty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humirit muli si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers matapos ang pamamaril ng isang Chinese national sa isang Pilipinong sibilyan dahil sa road rage na nauwi sa pagkamatay ng biktima.

Kinuwestyon ng mambabatas kung paanong napahintulutan ang suspek na magkaroon ng baril na nagamit sa pagpatay ng ating kababayan.

Ani Barbers, isa sa mga ugat nito ang korapsyon ng ilan sa empleyado ng pamahalaan na pinapalusot ang mga masasamang loob kapalit ng suhol.

Tinukoy nito ang iligal na paggamit ng bus lane, operasyon ng POGO, pamemeke ng mga birth certificate at passport, hanggang sa mga krimen ng kidnapping at murder.

“Corruption has eroded our moral fiber. They have this strong belief that emboldens them to treat us this way. They believe that every Filipino has his price, no matter his status and position. We can be bribed,” sabi ni Barbers.

Dahil dito, dapat na aniya talagang ibalik ang death penalty at magdagdag ng mga krimen na maaaring patawan ng parusang kamatayan para maisalba aniya ang moralidad ng bansa.

“It is time we revive the death penalty and include more crimes to be punishable by death. If we are to save the future generations, we have to show them the right way of governance. Leniency and indifference will erode confidence and faith in government. Already we have seen how these criminals run roughshod over our laws because they know that they can get away with it with their money and influence,” giit pa ng mambabaatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us