Posibleng mapaalis sa Pilipinas o mapa-deport si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sakaling mapatunayan na dayuhan ito.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, natanong ni Senadora Risa Hontiveros kung ano ang parusang maaaring kaharapin ng suspendidong alkalde sakaling mahatulan ang mga ito sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
Una nang sinabi ng Interagency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) na kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Guo at ng iba pang inuugnay sa POGO operations sa Bamban, Tarlac ay ang qualified human trafficking.
Kinukwestiyon rin ang citizenship ni Guo sa pamamagitan ng isang quo warranto petition.
Pinaliwanag ni Undersecretary Nicholas Felix Ty na habang pending ang kaso sa korte ay hindi sila pwedeng ipa-deport.
pero kung mahatulan na ito ay kailangan na muna nilang pagsilbihan ang kanilang sintensya dito sa Pilipinas bago sila ibalik sa anumang bansang kanilang pinanggalingan.| ulat ni Nimfa Asuncion